Today, ngayong araw na ito nag desisyon na akong palitan ang Elf campione 10w-60. Ayaw mag start ng electric start at mabigat na din sa kalooban ko ang ganito.

Nag hanap at nagtanong ako sa forum at sa kung sino sino kung anong background ng repsol 10w-40. At meron pala itong dalawang variant. isang gawa sa indonesia at Spain. Ang sabi sa forum mas maganda daw kung made in spain. Nalaman ko din na malapit lang pala ang pwede kong bilan. Nag oopisina ako sa mindanao ave kaya mas magandang dito sa JT triumph sa tabi ng west ave ako nakabili. Halagang 450 ay nakabili ako nito. mas mura kesa sa magster ng antipolo.

Ngayun nasa 16,344kms ang natakbo ng hayate ko at mainam sanang palitan ko na ito ngayun sa opisina. wala lang akong mahanap na panalok ng luma kong langis.

Repsol 10W-40 at Jt triumph